"Nasa Dyip"
Sumakay ako sa dyip,
May lalaking sa akin ay tumabi,
Hindi ako mapakali,
Nahihiya na may lalaki akong katabi.Sa pag andar ng aking sinasakyan,
Nilingon ko siya at tiningnan,
Nagulat ako at ako ay kanyang tinitigan,
Iniwas ang aking paningin at di na muli pang tumingin.Sa aking hindi inaasahan,
Mayamaya ginawa niya akong sandalan,
Akin siyang tiningnan,
Nakapikit siya at ang gandang pagmasdan.Ngiti ay sumilay sa aking labi,
Sa pagbagal ng aking sinasakyan,
Malapit na ako sa aking patutunguhan,
Nasa dyip na ito ang aking ngayong napupusuan.

BINABASA MO ANG
Hidden Letters
شِعرPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023