29: Siya Pala

10 0 0
                                    




"Siya Pala"

Nandito naman ako,
Ngunit iba ang pinipili mo,
Ako yung kasama mo,
Nasa iba ang atensyon mo.

Kailan mo kaya makikita ang halaga ko?
Ako yung nagpapasaya sa'yo,
Siya pala ang kaligayahan mo,
Wala na bang pag-asa sa'yo?

Ngiti ay di mawala sa'yong labi,
Tuwing kausap mo ang nais mong binibini,
Bakit ako ay iyong isinasantabi?
Tuwing dumadating siya at sa'yo tumatabi.

Siya pala ang nais mo,
Ngunit bakit pinapaasa mo ako,
Siya pala ang mahal mo,
Ngunit sabi mo ay ako ang gusto mo.

Ngayon ako na ay sigurado,
Ako ay panakip-butas mo,
Lumalapit ka lang sa akin,
Tuwing siya ay hindi mo kapiling.

Siya pala ang babaeng sinasabi mo,
Ngumingiti pa'ko sa mga sinasabi mo,
Ibang binibini pala ang tinutukoy mo,
Nabihag mo ako ngunit iba ang nakabihag sa'yo.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon