"PAANO NAMAN AKO?"
Pinili naman kita,
Ngunit mas pinili mo pa siya,
Mahigpit sa'yo ang pagkahawak,
Sa iba ka rin pala babagsak.
Paano naman ako?
Sa tabi mo ay naroon ako,
Ngunit binibining mahal ko,
Mas ninanais mo ay ibang ginoo.
Sa'yo ay handang magsakripisyo,
Ikaw ang kumuha ng atensyon ko,
Nabibighani sa'yo ang puso ko,
Maari bang mahalin mo ay ako?
Ako ang iyong pinangakuan,
Ngunit sa iba mo sinakatuparan,
Sa akin ka sumaya,
Ngunit ligaya ay sa kanya mo nadama.
Maari bang piliin mo rin ako?
Paano naman ako?
Mahal kita ngunit iba ang mahal mo,
Wala na bang pag-asa sa'yo?
Kailan mo kaya makikita ang halaga ko?
Sa kanya ay nakatuon ang atensyon mo,
Pangako mo ay panghahawakan ko,
Wala mang kasiguraduhan kung matutupad mo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoésiePatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
