38: Hiniram ngunit di Ibinalik

10 0 0
                                        

"Hiniram ngunit di ibinalik"

Unang hawak ko pa lang,
Sabik at saya ay aking naramdaman,
Sa haba mo pa lang,
Ngiti ay di ko maiwasan.

Pasensya na dahil ginamit kita,
Mahal ka man sa paningin nila,
Patawad pagkat iba ako sa kanila,
Ginamit at gagamitin kita.

Ako'y napapantasya,
Dinala ka sa eskwela,
Sa kaklase ko'y ika'y pinakilala,
Sila'y lumapit at sa'yo ay namangha.

Kaibigan ko'y nais ka,
Sa kanila ika'y pinahiram,
Mali pala ang aking ginawa,
Ilang araw ang lumipas di ka na ibinalik pa.

Sayang ang iyong tinta,
Hindi pala kita magagamit nang matagal pa,
Humiram lang sila,
Hindi ka na ibinalik pa.

May pag-asa pa kayang ika'y bumalik?
Sa iyo ako'y nasasabik,
Mahal ka pa naman sa tindahan,
Ikaw ay aking pinag-ipunan.

Sayang at sa kanila ka pala mapupunta,
Kanilang hiniram ngunit di na ibinalik pa,
Ilang ballpen na ang sa akin ay nawala,
Kaklase'y hihiram daw ngunit di na ibabalik pa.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon