90 : Bakit ba ako mahina?

2 0 0
                                    




"BAKIT AKO MAHINA?"

Sa mundong mapanghusga,
Mga taong nakapaligid ay naninira,
Walang ibang ginawa kundi ako'y ibaba,
Bakit ba ako mahina?

Sa pag-unos ng bagyo,
Bakit ako'y patuloy na kalmado,
Mga tao sa paligid ko'y nagkakagulo,
Ganito ba talaga ako?

Sariling pamilya,
Sa akin rin ay sumira,
Bakit sila pa kaya?
Bakit nga ba ako mahina?

Sa nga tao'y nagtiwala,
Ngunit ito'y kanilang sinira,
Saan ko matatagpuan,
Ang tunay na kaligayahan.

Kailan ba'ko magiging malakas?
Mga alon sa akin ay humahampas,
Kailan ko ba papakawalan?
Aking dala-dalang kahinaan.




Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon