"Tagu-Taguan"
Tagu-Taguan maliwanag ang buwan,
Tapos na akong magbilang ng tatlo,
Bakit nagtatago ka pa rin mahal ko?
Ako na yung taya sa larong sinimulan ko.Natalo na ako sa larong ito,
Hinayaan na kitang makasama siya,
Madilim ang gabi ngunit nakikita ko pa,
Na magkayakap kayong dalawa.Maaari bang ipikit ko na lang ulit ang aking mga mata?
Nang sa gayon ay di na kita makitang lumalapit sa kanya?
Tapos na ang laro ngunit pilit pa rin kitang hinahanap,
Kahit alam ko na siya ang iyong kayakap.Mga bituin ang nagsisilbing liwanag,
Patuloy na hahanapin ka,
Maging nasa piling ka na ng iba,
Hindi ko maintindihan ang aking nadarama.Ikinukubli ko sa dilim,
Ang sakit na dulot mo sa akin,
Hindi mapigilan ang mapahikbi,
Habang nakikita kang sumama sa babaeng tunay mong iniibig.Oo nga pala nalimutan ko,
Tagu-Taguan nga pala ito,
Isang larong binuo ko,
Kung saan patuloy kong tinatago ang nararamdaman ko para sa'yo.

BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesíaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023