"PAARALAN"
Iba ang dalang dulot nito,
Hindi tulad sa bahay na inuuwian ko,
Ang paaralan na may kasiyahan,
Hindi ko naranasan ang kalungkutan.
Dito ako'y maraming natutunan,
Sa paaralan ay aking nakalimutan,
Problema na dala ng aking tahanan,
Dito'y ikinubli ang aking kalungkutan.
Sa paaralan ay aking natagpuan,
Mga kaklase na aking maaasahan,
Kaibigan na tapat at naging sandalan,
Guro na patuloy akong ginagabayan.
Hindi ko naman inaasahan,
Sa buhay ko'y dumating noong sila'y kailangan,
Sa bahay na aking tinitirhan,
Ewan ko ba at hindi ko maramdaman.
Sa aking pagtatapos,
Hindi ko ibabaon sa limot,
Paaralang sa akin ay tumanggap,
Mga gurong sa akin ay nagturo ng wagas.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
