65 : Namaalam

5 0 0
                                    


"NAMAALAM"

Kirot at pighati,
Sa puso ko ay namutawi,
Nawala ka sa aking tabi,
Ngayo'y patuloy na nagdadalamhati.

Luha ay pumapatak,
Hindi ko mapigilang umiyak,
Bakit ka lumisan?
Sa amin ikaw ay namaalam.

Mundo ko'y binigyan mong kulay,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay,
Bakit mo ako nilisan?
Namaalam ka nang hindi ko inaasahan.

Sa gabing madilim,
Hinahanap kita sa mga bituin,
Kay sakit malaman,
Ako ngayo'y iyong iniwan.

Mga alaala nating nabuo,
Mananatili sa puso ko,
Wala ka man sa tabi ko,
Ikaw pa rin ang kaibigang mahal ko.

Hindi pa'ko handang palayain ka,
Bakit naman kami'y iniwan mo na?
Pagod na pagod ka na ba?
Ngayon ay namahinga ka na.

Paalam sa iyo,
Sa kalangitan ay mamasdan kita,
Isa ka na sa mga bituin,
Sa gabing madilim ay magniningning.






Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon