69 : ALAS ONSE NG GABI

5 1 2
                                    

"Alas-Onse ng Gabi"

Saksi ang buwan,
Sa dinanas kong kalungkutan,
Sa madilim na kalangitan,
Ako nito'y nasaksihan.

Tinatago sa kadiliman,
Pighati na aking nararamdaman,
Problemang aking nararanasan,
Maari bang sukuan?

Alas onse ng gabi,
Di mapigilan ang mapahikbi,
Bakit ito nangyayari?
Sa away nila ako lagi ang saksi.

Pigil akong umiyak,
Sa puso ko'y sumasaksak,
Mga salita nilang sa akin ay bumitak,
Unti-unti akong winawasak.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon