56 : Lord,Hindi Ko Kaya

2 1 0
                                    


"LORD,HINDI KO KAYANG WALA KA"

Sa buong buhay ko,
Ako ay nasanay nang ganito,
Nasanay sa bagay na makamundo,
Hindi man lang inisip ang Diyos ko.

Ngunit Panginoon,
Ako ngayo'y masaya,
Pagkat sa piling mo ako'y nagbalik na,
Sa'yo ako'y nagpapasalamat.

Lord,hindi ko pala kaya,
Sa piling mo ay mawalay pa,
Patawad,Panginoon ko,
Sa lahat ng kasalanang ginawa ko.

Sa harap mo,Oh Diyos ay dumudulog,
Sa iba't ibang hukay man ay nahulog,
Sa piling mo,O Diyos ay tatakbo,
Sapagkat Ikaw ngayon ang magiging pahinga ko.

Hindi man karapat-dapat sa harapan mo,
Ngayo'y bumabalik at magpupuri sa'yo,
Salamat Lord sa inyong sakripisyo,
Hinihiling na sana ako'y maging instrumento.

Hindi ko pala kaya,
Lumipas ang mga araw na hindi ka nakakasama,
Nasa piling mo oh Diyos angtunay na saya,
Patawad pagkat ako'y natagalan pa.

Sa masukal na gubat,
Doon ako ay laging nagugulat,
Mababangis na hayop sa paligid,
Kasalanan ay umaaligid.

Lord hindi ko kayang mawala ka,
Ikaw Ang dahilan kung bakit ako ay may hininga,
Sa buhay ko'y tinatanggap ka,
Maging aking Panginoon at Tagapagligtas.



Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon