"Paghanga"
Ako ay may taong gusto,
Isang butihin at maginoo
Napapansin niya ako,
Ngunit alam mo ba kung sino?
Isang manunulat,
Magaling,at determinado,
Napapangiti niya ako,
Marami sa kanyang nagkakagusto.
Ikaw ang tinutukoy ko.
Aking nabatid sa iyo,
May iba ka nang sinisinta,
Sino nga ba siya?
Ang swerte niya dahil meron siyang ikaw,
Ikaw na hinahangad ko noon pa.
Kelan ko kaya matatawag na akin ka?
Kung sa kanya pala ay masaya ka,
Akala ko'y ako na ang dahilan ng mga ngiti mo sinta,
Ngunit hindi pala.
May babaeng nagpapasaya sa'yo,
Kay lungkot ngunit hindi iyon ako
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
ŞiirPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
