"100 PAHINA"
Alay sa'yo ang daang pahinang ito,
Sa unang pahina ay ikaw ang makikita,
Dito ko inilathala ang aking paghanga,
Para sa'yong aking sinisinta.
Ikalawang pahina ay doon ko nakita,
Sa salamin ay may repleksyon ng saya,
Minasdan ko ang aking mga mata,
Iba ang dulot mo sa akin sinta.
Ikatlo, doon ko napagtanto,
Tama ba ang pakiramdam na ito?
Sa dating ako'y lumalayo,
Unti-unti mo'kong binabago.
Sa pahinang ikaapat,
Libro ay muli kong binuklat,
Nahiwagaan sapagkat ikaw ang pamagat,
Imahe mo lang sa isip ko ay sapat.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
