"Pagkakaibigan"
Sa paglipas ng panahon,
Hindi ko na namamalayan,
Ating pagkaibigan ay naglalaho na ng hindi inaasahan.
Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan,
Hindi nagkibuan at walang pansinan,
Nawalan ng koneksyon,
At humantong sa pagkasira ng ating pagkakaibigan.
Sa masasayang araw na nakasama kita,
Sa asaran,kasiyahan,kalokohan o kalungkutan man,
Ako'y masaya pagka't naging kaibigan kita,
Kaunting panahon man tayo magkasama.
Siya nga pala,nais ko lang sabihin na,
Pagkahiwalay man ang resulta ng hindi natin pagkakaunawaan,
Masaya ako na maging KAIBIGAN ka,
Salamat sa nabuo nating alaala.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
ŞiirPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
