28

4 0 0
                                    

"Noon"

Ako sa'yo ay nagbalik,
Mayroon na pala akong kapalit,
Nahuli ako ng dating,
Mayroon ka ng bagong kapiling.

Noon tayo ay nangarap,
Sa altar tayo ay haharap,
Ngunit tadhana ay masaklap,
Iba na ang iyong ihaharap.

Luha ay umagos,
Sakit sa akin ay tumatagos,
Makita kang masaya,
Ngunit iba ang iyong kasama.

Masakit ngunit hindi pwedeng ipilit,
Ako'y masaya para sa inyong dalawa,
Makita kayong magkasama,
Ipipikit ko ang mga mata pagkat hindi ko kaya.

Masaya ka noong tayo pa,
Ngayon iba ang iyong nadarama,
Kaligayahan ay nakikita ko sa iyong nga mata,
Karapat-dapat ka nga sa kanya.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon