84 : WALANG NAGBAGO

3 0 0
                                    









"WALANG NAGBAGO"

Sa pagmamahal na meron ako,
Hindi ko alam kung bakit ganito?
Ikaw pa rin ang nasa puso ko,
Kahit iba na ang nasa iyo at hindi na ako.

Napakalupit ng tadhana,
Sa pag-ibig na aking inakala,
Akala ko'y ikaw na ang sa aki'y itinadhana,
Sa iba ka pala nakatakda.

Nakaraan natin ay di ko malimutan,
Ewan ko at ikaw pa rin ang nais pakasalan,
Hindi ninais na ikaw ay hayaan,
Ika'y sumama sa iba at ako'y kinalimutan.

Ikaw pa rin ang nais ko,
Sa mundong nakakalito,
Ikaw ang sisiguraduhin ko,
Sa'yo pa rin babalik,mahal ko.

Patawad ngunit sa'yo lang ako nagkaganito,
Pinakawalan mo man ako,
Kinalimutan mo man ako,
Mananatili ka pa rin sa puso ko.

Ikaw at Ikaw,
Ikaw lang ang mahalin ko,
Sa mundong pabago-bago,
Sa'yo ako nakadestino.







Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon