66 : ULAN

1 0 0
                                        

"ULAN"

Sa gitna ng daan,
Habang pumapatak ang ulan,
Hindi ko namamalayan,
Gumuguhit sa akin ang kalungkutan.

Babaeng aking iniingatan,
May iba ng pinapahalagahan,
Binibining aking minamasdan,
Iba na ang dahilan ng kanyang kasiyahan.

Marahil ay iba na,
Sa kanya ay nakakapagpasaya,
Akala ko ay ako pa,
May Iba na pala.

Sakit ang sumilay sa aking labi,
Hindi na ako nasa kanyang tabi,
Iba na ang ninanais niyang makatabi,
Sumasabay sa ulan ang aking mga hikbi.

Luha ay lumandas,
Gusto ko mang tumakbo at tumakas,
Dahil sa sakit na naidulot niya,
Ako'y namamanhid na.

Itatago na lang sa ulan,
Ang nararamdaman kong kalungkutan,
Siya ay akin nang pakakawalan,
Sa malayo na lang mamasdan.






Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon