"PAGHANGA AY HINDI KO MAAMIN"
Ika'y hiniling,
At ngayo'y dumating,
Sa ganda mo'y nahuhumaling,
Binibining nais kong mapasakin
Kislap ng iyong mga mata,
Sa akin ay nagbibigay sigla,
Bawat ngiti mo sa labi,
Saya ay hindi ko maikubli.
Nararamdaman ko'y hindi ko maamin,
Mga tropa mong lalaki'y nakatingin,
Kailan ka kaya mapapasakin?
Kung sila sa'yo ay umaangkin.
Ako sa'yo ay humahanga,
Ngunit paano ba sa'yo maipaparating,
Ninanais na iyong mapansin,
Ako sa'yo ay may lihim na pagtingin.
Paghanga ko'y hindi maamin,
Sa malayo na lang ikaw tatanawin,
Babaeng sa aki'y nagpakilig,
Ngunit malabong sa akin umibig.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
