"AKALA KO AKO,KAIBIGAN KO PALA"
Ginoo bakit mo ginawa ito?
Akala ko ako ang mahal mo,
Iba pala at hindi ako,
Iyon nga lang kaibigan ko ang iniibig mo.
Sa dalawang daang tatahakin,
Akala ko'y ako ang iyong pipiliin,
Kaibigan ko pala ang iyong inaangkin,
Habang ako sa'yo ay nakatingin.
Sa isang pangungusap,
Ako pa ang iyong simula,
Iba naman pala ang wakas,
Sa iba ka lumandas.
Sa akin ka sumasama,
Iba naman pala ang hangad mo,
Habang nahuhulog ako sa'yo,
Nahuhulog ka naman sa kaibigan ko.
Ang lupit ni tadhana,
Hinayaan akong maging masaya,
Sa taong may iba ng pinapasaya,
Ligaya niya ay sa kaibigan ko nadama.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoésiePatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
