87 : SUMUGAL NAMAN AKO PARA ALAM MO

9 0 0
                                        


"SUMUGAL DIN AKO PARA ALAM MO"

Bakit mahal ko?
Sa pagmamahal na ito,
Sumugal din naman ako,
Bakit hindi mo nakikita ito?

Hindi ko alam kung bakit,
Sa piling mo'y ito ang sinapit,
Pagmamahal sa'yo ang aking ibinigay,
Ngunit ibinalik mo sa akin ay sakit.

Mahal,hindi lang naman ikaw,
Ikaw itong siyang sumugal,
Sa relasyon nating dalawa,
Heto rin ako't sumusugal.

Patawad,at nawawala na sinta,
Pagmamahal na inalay ko sa'yo noon pa,
Ngayon siguro ay papalayain na kita,
Ito lang naman ang nais mo di ba?

Ikaw na ngayon ay aking susukuan,
Masakit man sa kalooban,
Ngunit ako rin ay napapaguran,
Sa'yo ay di ko na matagpuan ang kapahingahan.

Huwag na nating saktan ang isa't isa,
Sumugal din naman ako,sinta,
Ngayon ay hahayaan na kita,
Sa iba ka man ulit sumaya.


Hidden LettersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon