"Basketball Player"
Hindi ako bola para iyong paglaruan,
Tama na ang iyong kalokohan,
Hindi ako dapat pag tripan,
Dahil ang gusto ko ay seryosohan.Lalaki ka nga ngunit di ka naman marunong manindigan,
Kanilang iniidolo ngunit isa kang manloloko,
Kumalat pa sa mundo ang isang tulad mo,
Walang ginagawa kundi manakit ng tao.May kasintahan na nga,
Inaagaw pa ang karelasyon ng iba,
Hindi ito isang laro ginoo,
Itigil mo na ang kalokohan mo.Babae ay dapat seryosohin mo,
Mahalin mo at ika'y maging totoo,
Hindi sila laruan,
Pero dapat mong ipanalo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesíaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023