"Babae, Hindi Marunong Makuntento"
Lalaki nga lang ba ang di nakukuntento?
Tingnan mo ang paligid mo,
Buksan ang mata mo,
At nang makita ang totoo.
Ibang babae ay mayroon ng karelasyon,
Malapit man o nasa kabilang nayon,
Tingnan mo at naroon,
Nasa iba ang atensyon.
Niligawan mo ng husto,
Sa iba pa rin nagkakagusto,
Siya ay minamahal mo,
Ngunit iba rin ang mahal nito.
Gumagawa ng gulo,
Sabay sa huli sa'yo isinisisi ito,
Naghahanap ng lusot,
Para relasyon ninyo ay maudlot.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
