"LUHA"
Hindi ko alam,
Bawat araw na ika'y aking nadadaanan,
Luha sa'yong mata,
Ay aking nakikita.Bakit nga ba lumuluha ka?
Niloko ka na naman ba niya?
Pakiusap,tama na,
Hindi ko kayang makita pa.Maaari bang sarili mo muna?
Huwag muna siya ikaw muna,
Huwag mong ipakita,
Lalo ka lang sasaktan niya.Kay ganda mong binibini,
Ngunit umiiyak dahil sa manlolokong lalaki,
Punasan ang luha,
Ngiti at saya ay ipakita.Hindi lang siya ang nag-iisa,
Marami ka pang makikilala,
Marahil ay masakit,
Ngunit binibini huwag maghinanakit.Hayaang humanap siya nang iba,
Hindi man niya nakita ang iyong halaga,
Darating ang tunay at sa'yo ay magpapasaya,
Luha ay iwaksi at kalimutan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/336094532-288-k588150.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023