24: Tapos Na

7 1 0
                                        




"Tapos Na"

Pumatak ang mga luha ko sa mata,
Nang makita kang may kasamang iba,
Hindi ko pala kaya,
Bumalik ang mga alaala ng nakaraan nating dalawa,
Masaya pala noong tayo pa.

Pasensya na,dahil inuna ko pa,
Kung ano ang sasabihin ng iba,
Nasira ko ang relasyon nating dalawa,
Hindi ko pala kaya ang makita kang nasa piling ng iba,
Maari bang bumalik ka na?

Miss na kita sobra,
Ngunit masaya ka na sa kanya,
May pag-asa pa ba?
Siguro ay wala na,
Dito na lang magtatapos ang ating istorya.

Masaya na rin akong makita kang masaya,
Maging nasa piling ka pa ng iba,
Isasara ko na ang libro,
Tapos na ang ating kwento,
Mayroon ka ng bagong mundo.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon