37: Ako sa Salamin

14 0 0
                                        



"Ako sa Salamin"

Sa salamin ay aking nakita,
Repleksyon ng isang dalaga,
Nakangiti ngunit hindi naman masaya,
Minamasdan ang kanyang hitsura.

Luha ay lumalandas sa kanyang mga mata,
Kailan kaya niya makikita ang kanyang halaga?
Nasa harap na ng salamin,
Ngunit iba ang kanyang nais hanapin.

Sarili ang nakikita,
Ngunit nais niya ay iba,
Bakit hindi matanggap ang tunay na siya?
Pighati at sakit ay aking nakikita.

Bakit siya nasasaktan?
Gayong siya ay may ganda din naman,
Bakit hindi niya matanggap?
Sa ibang tao ay nagpapanggap.

Wika pa ay hindi pa siya sapat,
Ano ba ang dapat?
Ginawa na niyang lahat,
Ni sarili ay hindi matanggap.

Sarili ay mahalin,
Huwag iba ang isipin,
Tanggapin mo kung sino ka,
Sa gayon ay tanggapin ka rin nila.

Mahalin mo ang sarili mo bago ang iba,
Pahalagahan ang iyong pagkatao,
Dito ay tatanggapin ka rin nila ng buo,
Ikaw ay makuntento.

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon