"PAALAM,AKING KAKLASE"
Sa taóng nagdaan,
Kayo'y aking naging kasamahan,
Kalungkutan at kasiyahan,
Salamat at kayo ay naririyan.
Sa nga araw na darating,
Ninanais kong muli kayong makapiling,
Sa maykapal ay hinihiling,
Mga pangarap natin ay sabay-sabay na tuparin.
Silid-aralan na ating maiiwan,
Luha ang sa aki'y naglalandas,
Kay hirap lumisan,
Para sa ating pangarap tayo'y magsikap.
Ito ang tandaan ninyo,
Ngayon man ay magkakahiwalay tayo,
Kayo'y aking pinagmamalaki,
Ang paaralang ito ang saksi.
Iba man sa atin ay hikahos,
Sa iba iba man ang ating agos,
Tayo rin ay makakapagtapos,
Sa pangarap ay huwag tumigil sa pag-abot.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
