In this poem po,I don't know exactly kung sa pamilya lang ba.Pamilya lang yung nilagay ko dito.Sabi nung friend ko basta magpaconvert daw pag iglesia ka tas napofall ka sa ibang religion.
Imagination and thoughts ko lang naman ito,you can comment and correct me if I'm wrong.
"Iglesia ka at Ako'y Kristiyano"
Iglesia ka ngunit ako'y kristiyano,
Hindi pwede ang relasyon na meron tayo,
Problema ito para sa pamilya ko,
Isang solusyon ay ang lumayo sa'yo.Titiisin ang sakit,
Sapagkat hindi pwedeng ipilit,
Marahil ay pinagtagpo lang tayong dalawa,
At kailanman ay hindi itinadhana.Masalimuot ang mundo,
Isuko ang pagmamahal na meron ako,
Ang siyang nararapat na gawin ko,
Paalam na,mahal ko.Ika'y mananatili na lang alaala,
Sa kwento nating dalawa,
Iiwasan at kalimutan ka,
Tatanggapin na lang ang kapalaran nating dalawa,
Sapat na ang ika'y aking nakilala.Kalimutan na lang natin nag isa't isa,
May Bago ka pang makikilala,
Hindi madali ang palayain ka,
Hanggang dito na lang istorya nating dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/336094532-288-k588150.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoesíaPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023