"LUHA SA AKING TULA"
Sa huling tula,
Ako ang mananatiling akda,
Ikaw ang magiging paksa,
Ngayon ay magtutugma.
Hindi man pinagtagpo,
Tayo man ay magkalayo,
Sa huling tula,
Ikaw ang aking huling luha.
Iba man ang iyong kabanata,
Iba man ang iyong paksa,
Sa'yo pa rin magmumula,
Ang luha sa aking tula.
Tutulo at papatak,
Pinipigilan ko mang bumiyak,
Puso ay masusugatan,
Kahit na aking pinipigilan.
Ikaw ang mananatiling inspirasyon,
Iba man ang iyong destinasyon,
Mananatili ka na lang sa aking imahinasyon,
Hindi man ako ang nais mo ngayon.
Luha sa aking tula,
Sa iyo ay nagmula,
Hahayaang pumatak kahit masakit na,
Titiisin na lang para sa'yo,sinta.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
