"SIRANG PAMILYA"
Saan ko nga ba matatagpuan
ang tunay na kasiyahan?
Mayroon ngang pamilya ngunit
hindi naman kami masaya,
Magulang lagi ay nag-aawayan,
Hanggang sa humantong sa hiwalayan.
Saan nga ba mararamdaman?
Kasiyahan na ninais ko noon pa man,
Isang anak na nais mabuo,
Ang nasirang pamilya ko.
Sobrang lupit ng tadhana,
Hindi man lang ako pinagbigyan,
Nais ko'y kumpletong pamilya,
Ngunit mga magulang ko'y nag-iba.
Sa harap ng altar doon ay nangako,
Wala Pala itong saysay dahil mapapako,
Sa isa't isa ay nagsumpaan,
Ngunit masaklap sa iba nila isinakatuparan.
Kailan ko ulit matatamasa?
Saya na meron ako noong ako'y bata?
Ganito nga siguro kapag lumalaki,
Hahayaan mong sila'y iwan ka
para sa kanilang ikakasaya.
Pamilya pa nga ba talaga?
Kung iniwan na ako nina ama't ina?
Hindi na hihilingin na sila'y bumalik pa,
Kung sasaktan rin naman nila ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
