81 : TINAPOS DAHIL KAILANGAN

2 0 0
                                        


"TINAPOS DAHIL KAILANGAN"

Humantong sa pagkakahiwalayan,
Pangako ay sa iba na maisasakatuparan,
Ibabaon na lang ang ating nakaraan,
Relasyon nating hindi nasolusyunan.

Tinapos natin dahil kailangan,
Mga magulang ay tutol sa'ting pag-iibigan,
Hahayaan ka na lang na lumisan,
Titiisin ko kahit masasaktan.

Ako'y bibitaw na sa pagkakahawak,
Ako man ay muling iiyak,
Puso ko man ay muling bibitak,
Hahayaan na lang itong mawasak.

Relasyon nating di napanindigan,

Hidden LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon