"AKO'Y PAGOD NA"
Maaari bang itigil muna?
Nararanasan kong mga problema,
Pwede bang ako'y layuan muna pansamantala?
Nakakapagod,hindi ko na kaya.
Ako'y pagod na,
Pumapatak ang mga luha sa mata,
Ako'y pagod na,
Maranasan ang ganitong sakuna.
Ngiti ay ipinapakita sa iba,
Maitago lang ang aking lungkot na nadarama,
Kailan ko kaya matatamasa,
Ang saya na nais kong madama.
Pwede bang magpahinga muna?
Pwede bang tumakas sa problema?
Minsan na nga lang sumaya,
Bakit ako'y pinipigilan pa nila?
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
ŞiirPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
