"SAMAHAN NA NAWASAK"
Ating pagkakaibigan,
Nawala ng hindi inaasahan,
Nagkaroon ng bagong samahan,
Hindi na agad nagkibuan.Nangako tayo sa mga bituin,
Bakit hindi natin tuparin?
Hinahanap ko ang inyong presensya,
Bakit hindi na tayo nagkakasama?Samahan ay naglaho,
Sumama kayo sa ibang grupo,
Alaala ang sa akin ay natitira,
Kailan ko kayo ulit makakasama?Saksi ang dagat,
Sa lungkot na hindi maawat,
Bakit natin ito dinanas?
Sa isa't isa tayo ay umiiwas.Wala na bang pag-asa?
Pagkakaibigan natin ay maibalik pa,
Sa pamamaalam ay hindi ako kakaway,
Pagkakaayos ay aking hinihintay.Miss ko na kayo sa aking tabi,
Sa bawat araw ay hindi mapakali,
Pagkakaibigan ay nais ko ulit mabuo,
Kahit na may bago na kayong mundo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023