Sa taong panuruan,
Unang araw ng pasukan,
Nakaukit sa mukha ay kalungkutan,
Hindi ko na kaklase ang aking mga kaibigan.
Lumipas ang mga araw,
Sa kaklase na meron ako ay nasanay,
Masyado pala akong nakadepende sa iba,
Marahil ay tinadhana na ako'y malayó sa kanila.
Adviser man ay may katapangan,
Sa kanya ako'y natatakot minsan,
Nakakatuwa dahil hindi lang ako,
Kaklase ko rin ay natatakot dito.
Kalagitnaan na ng taon,
Ako'y natututo at nagbago,
Sa mga tao'y di nagtiwala ng todo,
Sarili ko ang kakampi ko.
Hindi ko namalayan,
Sa seksyon na aking kinabibilangan,
Panibagong grupo ng mga kaibigan,
Sila ay aking natagpuan.
Sa pagtatapos ng taong ito,
Ako'y may natutunan,
Dadalhin ko ito sa kasalukuyan,
Aking seksyon ay pasasalamatan.
Kasiyahan at kalungkutan,
Seksyong ito ay aking nakasama,
Lagi mang may problema,
Nawa sa sunod ay may pagkakaisa.
Sa hindi inasahang pagkakataon,
Tayo'y nagkasama ngayong taon,
Sama-sama nating tuparin,
Mga pangarap natin.
Huwag bumitaw,
Magtiyaga at abutin,
Huwag sumuko,
Sama-sama hanggang dulo.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoésiePatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
