"Tama Na"
Tama na,huwag ka nang umasa,
Tingnan mo ang iyong halaga,
Napakaganda mong dalaga,
Ngunit umaasa ka sa
taong di ka binibigyang halaga.
Hindi ikaw ang mahal niya,
Tama na ang paghahangad pa,
Meron na siyang iba,
Itigil mo na ang pagpapantasiya.
Ituon mo ang atensyon sa iba,
Hindi tama na minamahal mo siya,
Pinipilit mong masaktan ka,
Nagpapakamartyr ka.
Tama na,tama na,
Pinaglalaban mo siya,
Pinaglaban ka ba niya?
Hindi na tama,dahil
sino ka ba para sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PoetryPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
