"Kaibigan Lang"
Ginoong aking sinisinta,
Hindi ko maamin ang aking nadarama,
Relasyon natin ay baka masira ko pa
Hindi pwede sapagkat kaibigan kita.
Ano ang aking gagawin?
Habang tumatagal di na ako sa'yo makatingin,
Natatakot na lalong mahulog sa'yo,
Ano ba ang gagawin ko?
Ngiti mong kay tamis,
Sa puso ko'y umaakit,
Hindi ko maalis,
Ewan ko ba Ikaw ang aking nais.
Nahuhumaling sa'yong galing,
Mapanood kang maglaro,
Tuwang tuwa tuwing ika'y nananalo,
Paano ba ito?
Napapatulala na lang ako,
Hindo ko namalayan ngumingiti na'ko,
Ganito ang iyong epekto,
Hindi ko maalis ang atensyon ko sa'yo.
Sa ibang babae ay naiingit,
Masaya ka tuwing sila ang kasama,
Hindi ko pwedeng ika'y pagbawalan,
Aking naalala ako'y kaibigan mo lang.
BINABASA MO ANG
Hidden Letters
PuisiPatuloy na lalagda, Ikaw ang magiging paksa, Sa bawat sinusulat kong tula. Hahayaang pumatak ang luha, Sa bawat sinusulat kong tula, Sapagkat dito nagmumula, Ang aking mga salita. Started: March 5,2023
