CHAPTER 95 : SETH

11 3 0
                                    

"Ateeee."


Napalingon naman ako sa tawag na yun ni Sean at Shin. Kasama nila si Kuya Zach.

Naupo kaming lima doon habang nag uusap usap ng mga nangyari sa buhay ng bawat isa.

"Ate, doon na ako nag aaral sa school niyo nila Kuya. Architecture po kinuha ko." kwento ni Shin.

"Naalala ko dati, gusto mo mag model." tugon ko sa kaniya.

"Ate, graduate na ako pero po mag la'law school pa po ako." sabi naman ni Sean.

"Akala ko ba gusto mo maging chef." tugon ko naman kay Sean.

"Engr. na ako." sabi naman ni Zayn.

"Papagawa ako bahay, pwede ba kalahati bayad kasi mag kapatid naman tayo?" tugon ko naman kay Zayn.

"Iniwan ko na ang school, ako na nag mamanage ng company natin." sabi naman ni Kuya.

"Wala ka pang asawa at anak?" baling ko naman kay Kuya Zach.

"Ako...hmmm..naalala ko dati gusto ko mag doctor. Nursing yung tinapos ko." sabi ko naman sa kanila.

"Balak mong ipagpatuloy yung pag doctor mo?" tanong nila. "Hindi ko pa alam, gusto ko lang ngayon makabawi sa inyong lahat. Bawiin lahat ng ala-ala na nawala sakin. tugon ko sa kanila.

"Ang saya niyong pag masdan." napalingon naman kaming mag kakapatid sa likuran namin, kung saan doon galing yung familiar na boses na yun. Si Dad na may hawak na camera habang si Mom na nakayakap sa mga braso ni Dad.

"Mom, Dad." sabay sabay na sabi namin.

Umupo sila Mom at Dad sa tabi namin.

"Salamat Princess, bumalik ka samin." biglang sabi ni Dad. "Wala ng mas isasaya pa yung mabuo tayo." dagdag naman ni Mom.

"Please po, wag na po tayo mag sesecret po ah." biglang sabi ni Shin. Natawa kami bigla sa kaniya.

Ang bilis niyang lumaki.

Pag tingin ko sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nakatingin na sila lahat sa amin. Kita sa mukha nila yung sayang makita kami.

Pag tingin ko kay Khen, nag tama yung mata namin.

Napansin ata ako nila Mom at Dad pati na din mga kapatid ko.

"Wala ka pang naaalala kay Khen?" inilingan ko si Dad bilang tugon.

"Pag uwi natin, mag pa consult tayo." sabi ni Mom. Tinanguan ko naman si Mom.

Pag alis nila Mom at Dad, sumunod naman si Kuya. Kakain daw muna siya.

"Tara na." aya ko sa kanila. "Dito muna ako." sabi ni Sean. "Ako din dito muna." sabi naman ni Shin.

"Ikaw Kuya, sumama ka kay Ate,  ikaw mag babantay sa kaniya doon.  Kami ni Shin....dito lang namin siya babantayan sa malayo." mahabang sabi ni Sean.

Ayan na naman sila.

"Ano ba kayo, hindi na ako aalis. Hindi na ako mawawala." sabi ko sa kanila.

Mula ng malaman nilang buhay ako,  bantay sarado na ako sa kanilang lahat hindi lang yung buong family ko, pati nadin yung mga kaibigan ko. Kung saan ako mag punta may isa or dalawang naka sunod sa akin.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now