Nang umuwi sila, naiwan kami ni Seth.
"Khen." napatingin ako kay Seth, wala sa akin ang paningin.
"Alam kong naiintidihan mo, Khen. Nag aalala ako. Si Aeke, walang ibang nasa tabi niya kundi ang Daddy niya, ako, si Sera at Kera." tumingin siya sa akin.
"Umuwi ka na, kailangan ka ng mga bata."
"Mas kailangan mo ako ngayon, Seth." tugon ko sa kaniya.
"Wag kang mag alala sa mga anak natin, hindi lang tayo ang mayron sila. Malaki ang family natin, bunos pa ang mga kaibigan natin." sabi ko sa kaniya.
"Khen, pag katapos nitong lahat. Mag usap tayo ng about sa atin, sa family natin." sabi niya. Tinanguan ko siya.
"Pasensya na kung hanggang ngayon, pinapaantay kita." dagdag niya. Inilingan ko siya.
"Kumain ka muna, para may lakas ka na harapin si Aeke pag nagising uli siya." Hindi naman siya nag matigas. "Kain tayo. Hindi ka pa kumakain simula kahapon." tugon niya.
Nang magising si Aeke, pinakain namin siya. Pinuntahan namin si Kenji, kasama si Aeke. Gustong makita ni Aeke ang Daddy niya bago operahan.
"Bumalik na kayo sa room, ako na mag aantay." Pamimilit ko kay Aeke at Seth, nandito kami sa labas ng operation room. Ilang beses ko ng sinabihan sila na bumalik na sa room. 9pm na nandito pa rin kami. Matagal ang operasyon ni Kenji.
Sa kakapiliy ko, wala silang nagawa kundi ang bumalik.
Nang matapos ang operasyon ni Kenji, kinausap ako ng nag opera. Bumalik agad ako sa room para ibalita kay Seth at Aeke. Pag pasok ko, tulog na si Aeke.
Kabadong tumayo si Seth at lumapit sa akin. Wala siyang sinabi, inaantay niya akong mag salita.
"Successful ang operasyon, pero hindi ibig sabihin na sure na magigising siya. Possible din na hindi siya magising." sabi ko sa kaniya.
"Maging positive tayo, Seth. Magigising si Kenji, hindi niya iiwan si Aeke." sabi ko sa kaniya.
Dumating ang parents at kapatid ni Kenji kaya nakauwi kami sa bahay ng parents ni Seth, nandon kasi ang mga bata. Ayaw sumama ni Aeke, kaya babalik din si Seth mamaya.
"Mommy."
"Daddy."
Salubong sa amin ni Sera at Kera. Kasama si Manang."Nasaan ang Ate at Kuya niyo?" Tanong ko. "Nandito po kami, Dad." Lumabas sa Kitchen si Seve at Seke, kasama ni Zayn.
"Anong nangyari sayo, Zayn? Bakit parang pagod na pagod ka." Natatawang sabi ko.
"Parang? Pagod na pagod talaga ako. Apat yang anak mo eh, sinong hindi mapapagod?" salubong niya sa amin, may dala dala siyang pagkain. Natawa kami ni Seth sa sinabi niya.
"Mga anak, tara na mag meryenda na tayo." dagdag niya at nag lakad na papunta sa sofa. Sumunod naman kami sa kanila.
"Matulog ka muna." mahinang sabi ko sa kaniya pag ka upo namin sa sofa. "Madalang ko lang sila makita." tugon niya habang naka tingin sa mga bata.
"Kera, gusto mo matulog?" Napatingin naman kami kay Kera. Inaantok siya habang kumakain kaya binuhat ko siya.
Nang matapos niya ang kinakain niya, nakatulog siya. Umakyat ako at tinungo ang kwarto ni Seth. Iba na ang kama niya, naging malaki. Pag kalapag ko kay Kera, nabaling ang atensyon ko sa nakalagay sa mesa.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...