CHAPTER 124 : AEKE IV

11 1 0
                                    

"Kailangan niyang operahan. Ang tinamaan kasi sa kaniya....sa mismong tinamaan sa kaniya dati nong naaksidente siya." sabi ko sa kaniya.

"Hindi magiging madali ang operasyon at pwede niyang..." hindi ko kayang ituloy.

"Pwede niyang ikamatay."

Muntik na siyang matumba, mabuti nalang naalalayan ko agad siya. Pinaupo ko muna siya at binigyan ng tubig habang inaantay namin ilipat si Aeke sa room.

"Aeke."

Nang makita namin si Aeke sabay kaming napatayo ni Seth at sumunod sa room. Bago pa kami makapasok, may lumapit sa aming mga police.

"Ano pong nangyari sa anak ko at Kenji?" Tanong agad ni Seth.

"Patawid sila sa kalsada, ang anak niyo po sana ang mabubunggo kaya lang po mabilis pong natulak ng asawa niyo ang anak niyo." sabi ng police.

Asawa?! Tch.

Nang maiwan kaming dalawa, hindi na siya umalis sa kinauupuan niya. Nakatingin lang siya kay Aeke habang patagong pinupunasan ang nag babagsakan niyang luha.

"Kumain ka muna." Umiling siya. "Tubig?" Inilingan lang niya ako habang nakatingin pa rin kay Aeke.

"Bumalik ka na sa mga anak natin." Napatigil ako sa pag lapit sa kaniya sa sinabi niya. "Sinabihan ko naman sila Mama at Papa pati na din ang mga kapatid mo at ang mga kaibigan natin na sila na muna bahala sa mga anak natin. Hindi kita iiwan dito." tugon ko sa kaniya.

"Tawagan natin sila. Gusto kong maka usap ang mga anak ko. Kausapin natin sila." Doon palang siya tumingin sa akin.

Lumabas kami para e video call sila.

"Daddy." tawag ng apat. Nginitian ko sila. "Nasaan po si Mommy?" tanong ni Sera. Pag tingin ko kay Seth, inayos niya ang sarili niya. "Okay na." Mahinang sabi niya kaya hinarap ko sa kaniya ang cellphone.

"Katabi ko ang Mommy niyo." tugon ko. "Hi po, Mommy." sabay na sabi ni Sera at Kera.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Seth. "Done na po." tugon pa ng dalawa habang tahimik naman si Seve at Seke.

"Hindi kami makakauwi ngayon, ang Lolo at Lola niyo muna ang bahala at nandiyan din ang mga Tita at Tito niyo." sabi ko sa kanila.

"Okay po, Daddy." sabi nilang apat.

Matapos namin makausap ang mga bata, kinausap naman kami nila Mama at Papa pati na din ang nga kapatid ni Seth at ang mga kaibigan namin. Binalita namin sa kanila ang sitwasyon ni Aeke at Kenji.

Pag pasok namin sa kwarto, bumalik si Seth sa tabi ni Aeke. Tahimik lang kami sa kwarto, hindi ko na namalayan na 10pm na pala.

Nag paalam ako sa kaniya na bibili ako ng pag kain. Pag balik ko, naka yoko na siya sa kama ni Aeke.

VIP ang room ni Aeke kaya binuhat ko si Seth papunta sa mini room.

Ako ang pumalit kay Seth sa pag babantay kay Aeke.

Sa murang edad, ang dami na niyang naranasan. Mulat na siya sa mga nangyayari, na sana dapat ay nag lalaro at wala siyang iniisip na dapat para sa matanda lang.

Hindi na namalayan na nakatulog ako, ang alam ko lang around 3am ako nakatulog.

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa paligid.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now