"Asan yung Aeri?" Gulat akong napatingin ng tanungin ni Kuya Zach yon.
Tiningnan ko si Zayn na napa iwas ng tingin.
"Na kwento ko na sa kanila." sabi ni Zayn habang nakatingin sa iba. Napakadaldal na niya talaga.
Tumira lang siya sa ibang bansa nasobrahan na kadaldalan niya.
"Alam na nila Mama at Papa?" tanong ko. "Hindi pa." sagot ni Zayn.
"Ayokong malaman nila Mom at Dad, Kuya." sabi ni Shin. "Anong gagawin natin?" tanong naman ni Sean.
"Wala naman tayo magagawa, nasa iisang lugar lang tayo. Anytime pwede sila mag kita kita. Lalo na andon sila sa hotel ngayon, ang lapit lapit lang nila." sabi ni Kuya Zach.
"Kayong dalawa pag nakita niyo yung kamukha ng Ate niyo hanggat maari wag kayo papadala sa emosyon niyo katulad ng ginawa ng Kuya Zayn niyo." dagdag pa ni Kuya Zach.
Naging maayos naman yung umaga namin pati na din pag sapit ng hapon. Naging busy lang sila Mommy at Daddy at Mama at Papa sa pag aasikaso sa venue.
Buong araw walang nag pakitang Aeri. Pinapaburan kami ng tadhana. Maayos naman sila Mama at Papa na bumalik sa bahay. Sa mukha nila hindi pa nila nakikita yung Aeri.
Kinaumagan, tanghali na kami nagising dahil late kami nakatulog kagabi. Pag bangon ko wala sa room si Seve at Seke.
Pag baba ko andon si Kuya Zach, Zayn, Sean at Shin kasama ang kambal pati na din si Jared at Jade. Kumakain na sila.
"Bakit hindi niyo ako ginising?" tanong ko sa kambal. "Ang sarap po ng tulog mo po Daddy." sabi ni Seve.
"Asan ang iba Zayn?" tanong ko kay Zayn pag kaupo ko sa tabi niya. "Ayon napag desisyunan nilang mag mall, bibili daw regalo. Hindi naman kailangan, ayun hindi naman sila nag papigil." sabi ni Zayn.
Sila Mom at Dad pati na din si Mama at Papa andon daw sila sa hotel. Birthday na ngayon ni Mama.
Matapos kumain nag paalam si Jade at Jared na maliligo na kasama mga kaibigan nila.
Kinagabihan celebration na ng birthday ni Mama.
Pag dating namin ng hotel ang daming tao. After 7 years ngayon nalang uli nakapag celebrate si Mama dito sa Pilipinas, kaya ito na din yung pa welcome ng pag babalik nila dito.
Nag tuloy tuloy lang ang celebration, hanggang lumalim yung gabi.
Nag pabuhat sa akin si Seve. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya. Pag tingin ko kay Seke parang anytime susuko na din mata niya.
"Babalik na kaming tatlo sa bahay, tapusin niyo celebration." sabi ko sa mga kaibigan ko.
Nag paalam na din ako sa kapatid nila Zayn. Pati na di kina Mom at Dad.
Inantay kong wala ng kausap si Mama at Papa para makalapit kami. Nang makita kong paalis na yung last na kausap niya tumayo ako, buhat buhat ko pa din si Seve at pinatayo ko na din si Seke. Mag lalakad na sana kami papunta kina Mama kaya lang nag lakad na sila patungo sa kinaroroonan namin.
"Happy birthday po uli Lola." bati ni Seke. "Salamat uli." tugon ni Mama at niyakap si Seke.
"Ma, Pa, balik na ho kaming tatlo sa bahay." paalam ko. Matapos mag paalam bumalik na kaming tatlo sa bahay.
Hindi ko namalayan na sumunod na pala sila Mom at Dad saakin pati na din si Jade at Jared.
"Kami nalang mag babantay kay Seve at Seke." sabi ni Dad. "Doon mo na sila sa kwarto namin, balik kana doon." wala na akong nagawa.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...