CHAPTER 113 : Seke, Seve, Kera and Sera

24 1 0
                                    

"Bakit kinalimutan mo po kami ni Seke? Bakit po kami?? Ganon po ba kami kadaling kalimutan? ganon po ba kami kadaling iwan??" sunod sunod na tanong ni Seve kay Seth.

"Alam po naming wala ka pong maalala, pero kailangan po ba talagang umalis??? Hindi po ba pwedeng sabay sabay po nating harapin? Ang selfish mo po, sarili mo lang po yung iniisip mo." Mahabang sabi ni Seke.

"Hindi mo po maiintindihan, kasi ikaw po lagi yung nang iiwan. Ang selfish mo po." sabi naman ni Seve.

Pag tingin ko kay Seth, doon ko lang napansin na panay tulo ng luha niya. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ako makagalaw.

Gusto kong magalit sa kaniya, gusto kong sumbatan siya sa lahat pero hindi ko magawa.

Natatakot ako, hindi ko naisip na aabot kaming apat sa ganitong sitwasyon.

"Mommy." tawag ng dalawang bata. Lumapit yung dalawang bata kay Seth.

Mommy?

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ako nakagalaw.

"Mommy, bakit ka po nag cry po?" sabi ng isang bata. "Bakit niyo po pinapaiyak Mommy po namin?" sabi naman ng isa. Umupo siya para mag pantay sila.

"Masaya lang si Mommy." tugon niya.

Iiling iling na tumingin si Seve sa Mommy niya.

"Kaya po pala..." napatingin kaming lahat kay Seve ng hindi niya natuloy yung sasabihin niya.

"Kaya po pala hindi po kayo kaagad nakabalik, kasi bumuo ka na po pala ng pamilya mo po." dugtong ni Seve habang isa isa niyang tiningnan yung mga kasama ni Seth.

"Seve, Seke, hindi totoo yan." singit ni Aeke. Lumapit siya kay Seve at Seke.

Ang laki na niya.

"Matagal na namin siya pinalaya ni Seke.....matagal na namin siyang binitawan." sabi ni Seve kay Aeke.

"Inggit na inggit po kami kay Aeke, buti pa po si Aeke hindi mo po siya anak pero siya po pinili mo. Buti po siya nakasama ka po. Buti pa po siya naranasan niya pong maging Mommy ka po." seryosong sabi ni Seke.

Tumalikod si Seke, kaya napaharap siya sa akin. Tumalikod na rin si Seve. Parehas na silang naka harap sa akin.

Napatingin silang dalawa sa akin.

May nabuong luha sa mata ko ng makita kong biglang nag tuluan yung luha nila, parang may patalim na na nakatusok sa puso ko.

Ang sakit sakit, hindi ko kayang nakikita silang ganito.

After ilang years na pananahimik, at pag intindi. Ngayon lang namin nakita silang ganito.

Lalapitan ko na sana sila kaya lang inilingan nila akong dalawa. Umiwas sila ng tingin sa akin, hanggang sa napayoko nalang sila.

"Mommy, kamukha po nila yung Kuya at Ate po namin." sabi ng isang bata.

"Mommy, si Ate Seve at Kuya Seke po..kamukha po nila...sila Ate Seve at Kuya Seke po." sabi naman ng isa pa.

"Yes." tugon ni Seth sa dalawa.

Pinunasan nila yung luha nila. Akala ko aalis na sila kaya lang, hinarap nila si Seth.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now