"Pwede ko bang malaman kung bakit gulat kayo ng makita ako?? at palaging napapagkamalan niyong ako si Princess or si Seth?" Sunod sunod na tanong niya.
Hindi ko alam ano ba dapat ang isagot doon, hindi ako handa sa tanong na yun.
"Kamukha ko ba talaga siya??" dugtong niya pa. "Ok lang kung hindi mo sagutin." sabi niya pa.
"Ilang beses din akong napag kamalang si Seth or Princess, kamukha ko ata talaga siya. Unang tumawag sakin ng pangalang Princess yung Kuya ata niya." Kwento niya.
Si Kuya Zach?
"Yung ibang mga tao dito sa hotel gulat ding makita ako. Lagi ata siyang andito. Mukhang kilalang kilala siya at ang daming nag aantay sa pag balik niya." Sabi niya pa.
Mag sasalita na sana ako ng mag salita uli siya.
"Sana bumalik na siya."
Sa sinabing niyang yun biglang kumirot yung puso ko.
"Khen." Napalingon ako sa tumawag sa likuran ko. Si Zayn. Tiningnan niya yung nasa tabi ko.
"Mauuna na ako sainyo. Baka magising si Aeke." Paalam niya. "Ano ngang pangalan mo??? Zayn ano?" Napalingon kami sa likuran namin. Andon pa pala si Aeri.
"Sa..sarmiento." tugon ni Zayn. Pag karinig niya nag lakad na siya paalis. "Anong trip non?" Tanong ni Zayn.
"Nagising ako, naupo ako dito. Nagising din si Ae..aeri naki upo din siya at naki-.."
"Tinatanong ko ba?" Sabi ni Zayn. "Baka kung ano na naman isipin niyang utak mo." Sabi ko sa kaniya.
"Psh." Sabi niya. Ganyan din yung sinasabi ni Seth.
"Khen, wag kang papadala sa emosyon mo. Hindi si Princess yun ha." Biglang sabi ni Zayn. Tama naman siya. Kita sa mukha niyang napilitan pa siyang sabihin yun.
"Pasok na tayo, tulungan mo ako mag luto ng almusal natin." Sabi ni Zayn, kung si Ley kaya yung ayain niya. "Yang mga tinginan mo Khen ah, wag ka mag alala hindi ako papatol sayo." Biro niya.
"Tch, tara na." nauna na akong tumayo at mag lakad. Humabol naman siya.
Lumipas ang mga araw, last 3 days and 2 nights nalang kami dito.
Kinaumagahan.
"Andito na sila Mama at Papa. Otw na din sila Mom at Dad." sabi ko kay Zayn. "Ni contact ka ni Mom at dad?" tanong ni Zayn. Tinanguan ko naman siya habang inaayos ko yung damit na gagamitin ni Seve at Seke.
"Ako ang anak nila bakit ikaw yung ni update sa pag dating nila. Kailangan ko na talaga mag palit ng magulang." tatawa tawang sabi ni Zayn.
"Dami mong sinasabi, tara salubungin natin sila. Gusto ko makita si Kuya Zach, Sean at Shin." Sabi ko kay Zayn. Tinungo naman namin yung parking lot.
"Khen.." tawag ni Mama at Papa sakin. "Ako yung anak.. ah baka ikaw talaga totoong anak." bulong ni Zayn saakin.
"Happy birthday Mama... kumusta po Papa?" Bati ko agad at niyakap siya pati na din si Papa.
"Happy birthday Tita." Bati ni Zayn sa Mom niya. "Kumusta Tito?" Baling naman ni Zayn sa Dad niya. Sira na talaga ulo niya. Yan ata nakuha niya sa pag stay niya sa ibang bansa.
Tinawanan nalang namin siya.
Birthday ngayon ni Mama, plano talaga nila ito na dito mag celebrate. Oo nga pala, sa loob ng pitong taon laging nasa tabi ko sila Mama at Papa yung magulang nila Zayn. Hindi man literal na nasa tabi ko sila, nag uusap kami video call, call or message. Pag umuuwi si Mama at Papa dito, lagi kaming nag kikita kita.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...