CHAPTER 112 : 5 years later

18 1 0
                                    

5 years later

"Daddy."

"Khen."

Rinig kung tawag ng kambal sa baba at ni Zayn.

"Ano ba, late na si Seve at Seke." rinig kung sigaw ni Zayn. "Daddy Zayn, tara na po." rinig ko pang sabi ni Seke.

"Khen, pag hindi ka pa bumaba, aalis na kami ng mga anak ko." sabi ni Zayn.

Dali dali akong bumaba, habang hawak ko yung toga at gamit ni Seve at Seke.

"Hindi mo sila anak, anak ko sila." Tugon ko, sabay binigay sa kaniya yung dala dala ko. "Tara na." Hinawakan ko yung kamay ni Seve at Seke at nauna na kaming lumabas.

Natatawa naman siyang lumabas.

"Mapupuno po sa atin yung venue." Sabi ni Seke. Natawa kami sa sinabi ni Seke, dahil totoo naman.

"Totoo, para tayong buong baranggay." natatawang sabi ni Ley.

"Para naman po kaming ikakasal." biglang sabi ni Seve. Sabay kaming napatingin ni Zayn sa kaniya.

"SEVE." sabay na tawag namin.

"Anong kasal? Subukan niyo lang."
"Walang kasal na magaganap".
sabay na sabi namin ni Zayn.

"Ang OA niyo." sabi ng mga kaibigan namin.

Graduation ng kambal ngayon, graduate na sila ng elementary. Ang bilis ng panahon, hindi pa ako handa. Pwede bang itigil muna yung pag laki nila?

Nag celebrate kami sa bahay. Pag katapos umuwi yung family ko tapos yung family ni Zayn. Kaming mag kakaibigan lang yung naiwan.

5 years na, wala pang balita kay Seth. Hanggang kailan ba kami mag aantay?? Alam naming babalik siya? Pero kailan?

Tama bang hayaan namin yung desisyon niya.
Tama bang antayin lang namin siya.

Kinabukasan, late na kami nagising. Pag ka gising namin, nag ready kami para sa lunch.

Matapos namin mag lunch, nilinis at inayos namin yung bahay. Andito pa kasi yung bakas ng celebration kahapon.

Patapos na kami ng dumating yung mga kapatid ni Zayn.

Sinalubong kami ng mga kapatid ni Zayn, sila Kuya Zach, Sean at Shin.

"May nakakita kay Princess sa mall." sabi ni Kuya Zach.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, kita sa mukha nila na masaya at excited sila sa balita ni Kuya Zach.

"Kasama ni Princess si Aeke at Kenji." dagdag pa na sabi ni Kuya Zach.

"Tapos..."

Nag alangan pa siya kung ipag papatuloy niya ba yung sasabihin niya.

"Tito Zach, ginising mo po kami para po sa ganitong balita po?" napatingin kami kay Seve na parang wala lang sa kaniya yung narinig niya.

"Inaantok pa po ako." mahinang sabi ni Seke. Katulad ng reaksyon ni Seve, ganon rin si Seke.

"Seve, Seke...hindi ba kayo masaya sa balita...andito na mommy niyo." masayang sabi ni Shin.

"Ilang beses na po namin yan narinig." sabi ni Seve.

"Ilang beses na po tayo umasa." sabi naman ni Seke.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now