CHAPTER 103 : 7 years ago IV

17 3 0
                                    

Kabuwaan na ni Princess, nahihirapan na siyang tumayo. Nanghihina na din siya.

Araw araw, walang oras na hindi natanggal yung kaba at pag aalala namin sa kalagayan ni Princess. Wala kaming ibang hihilingin kundi safety lang nilang tatlo.

"Kumusta yung pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya. "Ok naman." tugon niya.

"Ba..bakit andito ka..yo? Wala ba kayong pasok?" Tanong niya saming tatlo nila Sean.

Tinanguan namin siya.

Never na niyang tinanong sa amin si Khen. Never din siyang pinang hinaan ng loob kaya kahit kami pinakita namin sa kaniyang ganon din kami. Kahit ang totoo, gusto na namin umiyak.

Hindi namin kayang araw araw, nakikita siyang nahihirapan. Habang pinipilit niya maging malakas para sa safety ng kambal.

Sinabi din ng doctor na ihanda na namin yung sarili namin sa mangyayari.

"Ate ano po magiging pangalan nila??" Tanong ni Sean.

Naalala ko nong unang malaman namin na buntis siya. Lahat kami nag suggest sa magiging pangalan, pag babae or lalaki.

Wala naman sinabi si Princess kong anong magiging pangalan nila. Kita naman sa kaniya na alam na niya kung anong ipapangalan niya.

"Seve at Seke." sabi niya sabay tiningnan niya kami isa isa.

Nag antay kami sa sunod niyang sasabihin.

"Kung babae, si Seve at kung lalaki si Seke. Napag usapan kasi namin ni Khen, kung sakaling mag kaka anak kami yun yung ipapangalan namin sa kanila." sabi niya.

"Ang daming kaartehan ni Khen sa katawan..." sabi niya.

"Lahat sa kaniya dapat may meaning o kung ano pa man. Sabi niya kunin daw namin yung magiging pangalan nila sa pangalan namin at pag dugtungin." dagdag niya pa. Tahimik naman namin siyang pinakinggan.

"Para daw kahit nasan sila, kasama nila kami. Yung "Se" kinuha namin sa pangalan kong Seth. Yung "Ve" sa Jaeve ni Khen at "Ke" sa pangalan naman ni Khen. Diba?? Ang dami niyang alam." Pag kwekwento niya.

Dagdag niya pa.

"Kahit anong mangyari, unahin niyo si Seve at Seke bago ako. Nararamdaman kong safe silang lalabas. Sa pag bubuntis ko never nila ako binigyan ng mas makakapanghina sa akin." Dagdag niya.

Totoo yun, walang problema sa kambal. Malusog sila at safe. Yung nararamdaman lang ni Princess yung puso niyang unti-unting nanghihina.

"Kung may mangyaring masama sa akin-.."

"Wag ka mag salita ng ganiyan." Sabay sabay naming sabi.

"Mom, Dad."
"Kuya."
"Zayn."
"Sean at Shin."

Isa isa niya kaming tinawag.

"Mom, Dad, Shin, itigil niyo na yung pag sisisi sa sarili niyo kung bakit hindi naging buo yung family natin noon. Panahon na para iwan niyo na lahat yun sa nakaraan." sabi niya. Tahimik naman na tumulo yung luha nila.

"Shin, masaya kami na bumalik ka saamin. Sorry dahil yung pangarap mo na pumasok sa school namin hindi natuloy." sabi niya kay Shin.

"Ate yung pangarap ko po kasama ka doon, kasama po kayong lahat, hindi po buo yung pangarap ko pag may isa pong wala." sabi ni Shin.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now