CHAPTER 109 : 6 years ago V

14 3 0
                                    

"Nang tumawag si Mom, nasa tabi niya ako. Kaya narinig ko ang usapan niyo." sabi ni Jazz. "Akala ko malalaman na nila Mom, yung sitwasyon ni Kuya." dagdag niya pa.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Dylan.

"Akala ko ok na si Kuya, yun din yung akala nila Mom at Dad hanggang ngayon. Kahit kayo...akala niyo ok siya." maluha luhang sabi ni Jazz.

"Alam kong hindi pa kayo nag uusap usap mula nong araw na yun. Nong una akala ko maayos na kayo, pero nakita ko kayo sa school. Hindi kayo nag papansinan at nag sasama sama. Pangalawang beses, ganon din yung paalam niya. Hanggang nag tuloy tuloy, kaya sinundan ko siya nong araw na umalis siya. Natagpuan ko yung sarili kong papasok sa resort... sa beach resort nila Seth." Kwento ni Jazz.

"Ayaw ko sanang sabihin yung nangyayari sa kaniya pero naaawa ako sa kaniya. Maayos siya pag may kaharap siya, pero pag mag isa lang siya..parang pasan niya yung mundo." dagdag pa na sabi ni Jazz, patuloy pa din siya sa pag punas ng mga luhang nag uunahan sa pag patak.

"Gusto ko siyang samahan pero hindi ako ang kailangan niya ngayon...kayo yung kailangan niya." Tiningnan niya kami isa isa.

"Kung gusto niyo siyang makita, sure akong nandon siya sa beach resort." sabi niya. "Kahit ngayon lang, pwede bang puntahan niyo siya ngayon." dagdag niya pa.

"Pag nakita niyo siya doon, nasa inyo na yung desisyon. If ever na umalis uli siya sa susunod, hindi ko na kayo pipilitin na puntahan siya, ako na ang bahala sa kaniya." sabi niya bago siya umalis.

Wala kaming sinayang na oras, pinuntahan namin siya sa resort. Madilim na ng makarating kami. Natagpuan namin siya sa tabing dagat.

Nakaupo siya, habang nasa malayo yung tingin niya. Tama si Jazz, parang pasan niya yung mundo. Kumirot yung puso ko.

"Kaya ba hinayaan niya tayong lumayo sa kaniya, dahil ayaw niya din tayong mag alala sa kaniya?" maluha luhang sabi ni Charm.

"Ayaw niyang ipakita sa lahat na ganito siya." sabi ni Dylan. "Ayaw niyang nakikita siyang mahina." dagdag pa ni Jiro. "Ayaw niyang mag alala yung mga tao sa paligid niya." singit naman ni Dale.

Nag lakad ako papalit sa kaniya, huli na para pigilan nila ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na salubong ko sa kaniya, gulat pa siyang makita kaming lahat doon. "Talagang kami pa yung dinahilan mo kay Tita??" tanong ko sa kaniya.

Tumayo siya at hinarap kami. Hinawakan ko yung kwelyo niya, pinigilan pa ako ng mga kaibigan namin.

"Bakit hindi mo sinabi?? Bakit hindi mo sinabi samin na hindi ka maayos?? Bakit sinosolo-.." hindi ko na napigilan na maiyak, nanghina yung tuhod ko bigla akong napaupo.

"Nasasaktan din kami, nasasaktan din kami sa nangyari. Hindi ba pwedeng sabay sabay natin harapin itong sakit na nararamdaman natin?? Hindi ba pwedeng mag tulungan tayo para makayanan natin??" mahinang sabi ko.

"Akala ko okay na ako. Akala ko tanggap ko na." sabi niya.

"Kung pwede lang, dito na ako tumira. Para pag bumalik siya, andito ako kung saan niya ako iniwan." dagdag niya pa.

"Ayokong tanggapin, hinding hindi ko matatanggap. Araw araw nag aantay ako, inaantay ko siya at patuloy ko siyang aantayin. Kahit alam kong hindi na siya babalik, mag aantay ako." huling sabi niya bago siya mawalan ng malay.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now