"Mommy, Daddy gusto kong galing mismo sa bibig niyo." biglang sabi ni Shin. Lahat kami nag antay sa sasabihin nila Mama at Papa.
"Totoong si Aeri at Princess ay iisa." sabi ni Mommy. "Buhay si Princess." sabi naman ni Daddy.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang hina hina ng tuhod ko.
Ngayong nag katotoo na yung hinala namin. Parang hindi ako makapaniwala.
Gusto kong malaman kung anong nangyari. Alam kong yun din yung gusto malaman ng mga kaibigan ko lalong lalo na yung mga kapatid ni Seth at ang parents niya.
"Kung panaginip man ito, sana wag matapos." biglang sabi ni Ley sabay sinapak sapak niya yung sarili niya.
"Arayyyy." sabi niya ng mapalakas yung sapak niya.
Napatingin kami ng nakatanggap ng tawag si Mom. Pag ka baba niya ng tawag tiningnan niya kami.
"Nakatanggap kami ng information kung asan ngayon yung tinuturing niyang parents." sabi ni Mama.
"Sa ngayon wala pa kaming maipapaliwanag sa inyo. Sa ngayon ang alam palang namin ay siya si Princess. Buhay siya." sabi naman ni Papa.
"Ngayong alam niyo na, gusto namin na wag niyo munang guguluhin si Princess, antayin niyo kami. Antayin niyong malaman natin yung buong pangyayari." Dagdag ni Papa.
Dali dali silang umalis hindi man lang kami pina salita.
Pag kaalis nila Mama at Papa, tahimik lang kami doon. Walang gustong mag salita.
Gusto kong puntahan ngayon si Seth at itanong lahat. Pano niya nagawa kaming iwan ng paulit ulit.
"Alam mo Kuya? Kailan pa?" biglang tanong ni Zayn.
"3 years ago bumisita ako sa probinsya, doon ko siya unang nakita kung saan doon nakatira sila Lola at Lolo." Pag kwekwento niya.
Naala ko bigla, nasabi niya na may bigla daw nag sabing siya si Princess at si Kuya Zach yun.
Bakit hindi sinabi ni Kuya Zach na may nakita din siyang kamukha ni Seth, katulad ko.
"Hinanap ko siya, nag tanong tanong ako.... kaya lang... walang nakakakilala sa kaniya. Hindi ko na siya nakita uli." sabi niya.
"Sa beach resort ko uli siya nakita, at nag tuloy tuloy yun. Kung saan saan ko na siya nakita. Nag try ako alamin yung background niya, kaya lang... walang nakakakilala sa kaniya. Wala akong mahanap na information about sa kaniya. Hanggang sa malaman kung pumasok siya bilang yaya ng kambal." Pag kwekwento pa niya.
"Alam niyo yung feeling na... alam kong wala na siya pero-.. hindi ko alam.. hindi ko mapaliwanag." dagdag pa ni Kuya Zach.
"Nakikita ko sa kaniya si Princess." dagdag niya. Ganon din yung sabi naming mag kakaibigan.
"Nakatanggap ako ng balita after 1 month mula ng umalis sila Mom. May nakapag sabing may nakakilala sa kaniya. Napag alaman ko na mayaman sila. Bakit siya pumasok bilang yaya?? Doon ako simulang mag taka." pag papatuloy niya.
"Ayokong bigyan kayo ng pag asa kasi alam naman nating lahat na wala na talaga si Princess." dagdag niya pa.
"Lumipas pa ang dalawang buwan, tatlong buwan na hindi pa din umuuwi sila Mom. Hindi ako makapag antay, gusto kong sabihin yung nalalaman ko. Kaya minabuti kong puntahan sila sa ibang bansa. Inabutan ko silang pinag uusapan yung about kay Princess. Kaya pala hindi sila makauwi kasi may nalaman din sila about kay Princess." Pag kwekwento pa ni Kuya Zach.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
De TodoI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...