CHAPTER 91 : THE REVELATION V

20 3 0
                                    

KHEN'S POV

Sobrang sayang malaman na nakakaalala na si Seth.

Unti unti nalalaman na din ng lahat kung anong nangyari dati. Katulad nalang... kaya pala hindi niya kami kilala dahil na aksidente siya.

Akala ko pag katapos niyang isa isahin banggitin yung family niya, pupuntahan niya ako.

Matapos niya kay Ley, gumaan yung loob ko ng lumapit siya kina Mom at Dad pati nadin sa mga kapatid ko.

Inisip ko nalang na baka ni se-save niya yung last para sa akin. Baka ni jojoke time niya lang ako, pero imposible namang i jo-joke niya ako sa ganitong sitwasyon.

Pag katapos niya umupo siya sa sofa. Napayoko nalang ako.

"May nakalimutan ka ata." tanong Ley. "Nakalimutan?" tanong niya. Nakayokong nag antay ako sa tugon niya.

"Ah, oo nga pala." sabi niya sabay napatayo. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Manang." sabi niya at tinungo si manang na saktong kabababa lang. "Seth, Ihaaa." salubong ni Manang.

Umupo uli si Seth sa sofa.

"Wag muna tayong mag isip ng kung ano ano, palipasin muna natin itong new year. Mag celebrate muna tayo." sabi ni Seth pag ka upo niya.

Hindi ko alam kung saan ako titingin, o kung anong gagawin ko.

"Princess, si Khen." biglang sabi ni Zayn. Nanatili akong nakayoko.

"Sino siya?" tanong niya. Gusto kong mawala bigla dito sa kinauupuan ko.

"Ay oo nga pala...." bawi niya, nakahinga ako ng maluwag. "siya... siya yung Daddy ng kambal." dugtong niya.

Napaangat ako ng tingin, saktong nakatingin ng seryoso sa akin si Seth.

"Seth naman, wag ka naman mag biro." sabi ko. "Mukha ba akong nakikipag biruan?" seryosong sabi ni Seth.

"Oo nga pala, mukhang hindi maayos yung pag hihiwalay namin. Hindi ko matandaan kung pano kami nag hiwalay e." Seryosong sabi ni Seth.

"Huh?"

"Mukhang naka move on naman na siya, may pamilya na siya." dagdag niya pa.

Gusto kong mag salita, pero hindi ko alam kung pano sisimulan.

Hindi niya ako kilala. Kinalimutan niya ako.

"Puntahan ko muna yung kambal." yun yung lumabas sa bibig ko. Si Seve at Seke lang mag papagaan ng loob ko ngayon.

Pag talikod ko biglang nag siunahan yung pag tulo ng luha ko. Ang tagal kong inantay yung araw na ito. Hindi ganito yung ginawa ko sa isip kong mangyayari pag nag kita kami.

Napatigil ako sa last na hakbang ko sa hagdan, biglang nanghina yung tuhod ko.

"Bakit hindi ko maalala kung pano naging kami??? Paanong nag kagusto ako sa kaniya?? Hindi ko ma imagine na mag ka gusto ako sa kaniya." sabi ni Seth.

Ganon yung pumasok sa isip ko noon nang malaman kung may gusto ako sa kaniya. Alam kong ganon din siya. Tuluyan na akong nag lakad at tinungo kung asan si Seve at Seke.

Inayos ko muna yung sarili ko bago ako pumasok sa kwarto. Pag pasok ko tulog na yung kambal pati na rin si Aeke.

Mag katabi si Aeke at Seke sa isang kama habang si Seve naman mag isa sa isang kama.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now