CHAPTER 114 : Kera and Sera

18 1 0
                                    

"Anak namin ni Khen."

Sabi niya habang maluha luhang nakatingin sa akin.

Napaupo ako ng marinig ko yun. Nilapitan ako ni Seve at Seke. Lumapit rin sa akin si Kera at Sera.

"Kera, Sera." bulong ko. Niyakap nila akong apat.

Pag tingin ko kay Seth, panay tulo pa din ng luha niya. Lumapit sa kaniya si Aeke para yakapin siya.

"Katulad kay Seve at Seke, late ko rin nalaman na buntis ako." sabi ni Seth. Nilapitan ni Mama at Papa si Sera at Kera, pati narin ang mga kapatid ni Seth.

Hindi ko alam kung pano kami naka pasok dito sa beach house. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Khen." tawag sa akin ni Zayn. Napatingin ako kay Kenji at sa buhat niya.

Yung isa pang batang buhat ni Kenji, anak ng kapatid niya. Yung kasama pala nilang babae, kapatid ni Kenji.

"Babalik muna kaming hotel, nakatulog na kasi si Kobe." paalam ni Kenji.

"Yung pag kain niyo?" tanong ni Seth."Bababa nalang kami pag dating ng asawa ni Kenny." sabi ni Kenji kay Seth.

Pag alis nila nag tipon tipon kami sa sofa. Katabi ko si Seve at Seke, nasa mag kabilaan ko sila. Si Kera at Sera naman kasama si Aeke, andon sila sa may mini sofa. Nag lalaro kasi yung dalawa, nag babantay naman si Aeke at nilalaro niya yung kambal.

"Bakit hindi ka bumalik ng malaman mong buntis ka?" tanong ni Mama sa kaniya. "Hindi pa ako okay Mommy, natakot akong bumalik." sabi niya.

"Wag mong sabihin sa loob ng limang taon kasama mo sila Kenji." Sabi ni Ley habang nakatingin sa akin.

"Kasama ko si Aeke at Kenji sa loob ng limang taon-." pinutol ni Ley yung pag sasalita ni Seth.

"Wag mong sabihin na alam mong anak mo si Seve at Seke-.." pinutol naman ni Seth yung pag sasalita ni Ley.

"Alam ko." pag puputol niya. "pero wala akong maalala." dugtong niya.

"Ibig sabihin bago ka umalis, alam mong anak mo si Seve at Seke??" hindi makapaniwalang tanong ko. Doon na ako nakapag salita. Hindi ko nga napansin na nasabi ko yun.

Tinanguan niya ako.

"Alam mo?? pero mas pinili mong umalis?? Mas pinili mo kaming iwan?" hinawakan ni Seve at Seke yung kamay ko.

"Alam kong iniisip niyo ang babaw, sa akin hindi. Gusto kong malaman lahat, ayokong nakikita kayong nasasaktan. Ayokong makita yung reaksyon niyo sa tuwing nakikita niyo akong hindi kayo maalala." sabi niya.

"Ayaw kong umalis, gusto kong maging mahina. Gusto kong sumandal sa inyong lahat. Pero pinang hinaan ako ng loob, hindi ko kayang harapin kayo." sabi niya.

"Hindi naman dapat ako mag tatagal doon. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa akin at baka pag bumalik ako doon, maalala ko si Seve at Seke." dagdag niya pa.

"Nong nalaman kong buntis ako, gusto kong umuwi kaya lang wala akong mukhang maihaharap sa inyo. Hindi ko pa alam kung asan yung parents ni Aeri, wala pa akong maalala. Wala pa akong kahit konting alam kung anong nangyari noon. Oo, ang babaw." sabi niya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now