Finally!
Masasabi kong gumaan yung pakiramdam ko, unti unti ko na nalalaman yung buong pag katao ko.
Hindi ko masasabing buo na, pero alam kung may kulang.
Ayokong pilitin yung sarili kong alalahanin yung patuloy na bumabagabag sa akin.
Bumalik ako sa hotel. Gusto kong tawagan sila Mom at Dad.. yung parents ni Aeri. Kaya lang hindi ko sila ma contact.
Paano nila nagawa sa amin ito.
Bumalik naman kaagad ako sa bahay.
Pag bukas ko ng pinto, andon silang lahat. Andon din yung iba naming kaibigan. Gusto kong tumuloy kaya lang seryoso silang nag uusap tungkol sa nangyari noon.
"Kasalanan ko ang lahat."
Lahat sila napatingin matapos sabihin niya yun.
"Kasalanan ko ang lahat, kaya tama lang na hindi niya ako maalala." Dagdag niya pa.
Tumalikod siya sa kanila. Kita kong nag unahan mag bagsakan yung luha niya. Kumirot bigla yung puso ko.
Hindi na niya sila pina salita, mabilis siyang nag lakad patungo sa... kinaroroonan ko ata.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mabilis kong sinara yung pinto at lumabas.
Hindi niya ako napansin, nag tuloy tuloy lang siya sa pag lakad.
Sinundan naman siya nila Tito at Tita. Oo nga pala anak siya nila sabi ni Ley.
Bumalik nalang uli ako sa hotel, inayos ko muna yung mga kalat bago ako bumalik sa bahay.
"Princess, bakit ang tagal mo?" salubong ni Zayn. "Inayos ko yung kalat." tugon ko.
"Andito na si Seth." rinig kong sabi ng mga kaibigan ko sa taas, habang nag uunahan sila sa pag baba.
"Sethhhhh." tawag nila sa akin, kita sa mukha nila yung saya pati yung mga mata nilang nakangiti. Sumeryoso ako at tiningnan sila.
"Sino sila, Zayn?" mabilis na nawala yung mga ngiti nila.
"Hindi niya din tayo maalala." mahinang sabi ni Charm.
"Seth naman, wag ka naman mag biro ng ganyan." sabi ni Dara. "Hindi ako nag bibiro." tugon ko pa.
Tinalikuran ko sila.
"Mag enchanted kingdom uli tayo, at partner partner uli." sabi ko bago ako humakbang.
Mga 10 seconds bago nila ma gets yun.
"Sethhhhhh." tawag nila, rinig ko yung mga yabag ng paa nila.
"Hindi ako makahinga." sabi ko sa kanila. Sobrang higpit ba naman ng yakap nila.
"Kahit kailan ang pangit mo mag biro." sabi ni Ley na nakaupo sa sofa.
"Pero sino nga yung kapartner ko noon?" bigla silang napahiwalay sa akin. "Hindi mo maalala?" tanong ni dylan. Inilingan ko siya.
"Khen.. si Khen yung partner mo noon." sabi ni Zayn. Si Khen?
"Kaibigan din ba natin si Khen?" tanong ko. Tumango silang lahat.
"Bakit hindi ko siya maalala." mahinang sabi ko.
Wala akong maalala kahit isa sa kaniya.
"Tambay tayo sa tabing dagat." aya ni Ley.
YOU ARE READING
STILL INTO YOU (INTO YOU S2) - ON-GOING
RandomI hated you so much, but i couldn't completely hate you at the same time. It was because of those memories we shared. No... Hindi about the memories, hindi lang about sa memories. Dahil mahal kita, kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin. Kahit ano...