CHAPTER 86 : THE RING

26 3 0
                                    

Khen POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Arayyy." napabangon ako at napatingin sa katabi ko. Nasiko ko kasi si Zayn.

"Bakit andito tayo?" sabay na sabi naming dalawa. Pag tingin namin sa table andon yung mga kaibigan namin, mag tig iisang tasa. Nag aalmusal na sila.

"Anong nangyari?" tanong ni Zayn. "Sobrang lasing niyo, diyan na kayo naka tulog." sabi ni Dylan.

"Si Aeri??" tanong ko. "Maagang umalis." sabi ni Ley. "Mag ayos na kayo, uuwi na tayo." dagdag pa ni Ley.

Bago ako umuwi sa bahay, dinaanan ko muna si Seve at Seke kina Mom. Pag uwi namin wala si Aeri doon.

Tinawagan ko yung number niya kasi may lakad ako mamaya, walang bantay sa kambal.

Kaya lang naka off, hindi siya ma contact. Kaya sinama ko nalang yung kambal.

Lumipas ang tatlong araw, hindi pa din pumapasok si Aeri. Hanggang lumipas yung mga ilang araw pa. Nasabi ko na din sa mga kaibigan ko. Dalawang araw nalang pasko na. Andito si Zayn at Ley ngayon sa bahay.

"Khennn, Zaynnnn"
"Pumunta kayo dito." sigaw ni Ley.

Tinungo namin yung kwarto ni Aeri. May paper na binabasa si Ley.

"Yung contract..." sabi ni Ley at binigay sa amin. "Ito ba yung binayad mo sa kanya??" Tanong ni Ley.

"Saan mo nakuha ito?" Tanong ko. "Sa ilamin ng kama." tugon ko.

Inabot naman niya sakin yung envelop na nag lalaman ng pera. Ito yung binigay ko sa kaniya, kasi yung envelop.

"Ito yung buong bayad na binigay ko sa kaniya. Kailangan niya ng pera, bakit binalik niya ito."

Bigla naman may nag doorbell, dali daling lumabas si Ley. Pag tingin ko sa cabinet, wala na doon yung mga gamit niya. Lahat wala na doon.

Pag labas namin ng kwarto andon yung mga kaibigan naming lahat.

"Wag kayo mabibigla ah." sabi ni Jiro.

"May nakapag sabi kasing sa hotel nag e stay si Aeri at nagulat pa silang pumasok na yaya si Aeri." Sabi ni Jiro.

"Kanino mo nalaman yan?" Tanong ko.

"Kay Kherstein, hindi niyo siya kilala pero na kompirma ko na sa hotel talaga siya nag e stay. Kasi galing kami kanina doon, doon kasi nag e stay yung business partner nila Daddy na galing abroad. Nakita namin ni Dara, kasi kasama ko kanina si Dara." Pag kwekwento ni Jiro. Tumango naman si Dara.

"Tsaka yung family niya kilala sa abroad, kasi doon sila nag e stay at doon yung company nila. Mayaman sila kaya nagulat yung nakakakilala kay Aeri nng malaman na pumasok siya bilang yaya." dagdag pa ni Dara.

"Ibig sabihin, nag sinungaling siya. Anong pakay niya?? Bakit nag sinungaling siya?" sabi ni Ley.

"Gusto ko siyang makausap, idala niyo ako sa kaniya." sabi ko. Nag dalawang isip pa sila sa una, kaya lang alam naman nilang hindi nila ako mapipigilan na.

Tinungo namin yung hotel.

Naabutan namin siyang paalis na sa hotel, sinasakay niya yung gamit niya. Hinarangan namin siya, bago pa man siya maka alis.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa amin pag kababa niya.

"Wag mo na subukan mag sinungaling uli. Anong pakay mo at pumasok kang Yaya ng kambal??" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi lang kami yung niloko mo, pati yung kambal. Sobrang gustong gusto ka ng kambal, paano mo nakakayang mag singungaling araw araw?" Dagdag ko pa.

"Lahat ba na pinakita mo puro lang yun kasinungalingan??" singit ni Ley. "Lahat yun totoo." sabi niya.

"Bakit ka pumasok bilang yaya kung mayaman naman kayo?" Tanong ni Tiff.

Bigla naman may humarang sa amin na mga guard.

"Sorry." Sabi niya bago siya pumasok sa kotse.

Umuwi kaming gulong gulo.

"Hindi kaya sinadya niya lahat ng pagkikita kita natin?? Balak niya bang mas lalo tayong masaktan pag nakikita natin siya." sabi ni Charm.

"Umuwi kana muna kina Tita, Khen." sabi ni Zayn. "Baka kasi may balak yun gawin." sabi naman ni Ley.

"Nga pala naiwan mo sa hideout." sabi ni Zayn. Yung kwintas na may pendant na ring.

Napahawak ako sa dibdib ko, nakapa ko yun. Nilabas ko bigla yung suot kong katulad ng binigay ni Zayn.

"Saan mo ito nakuha??" tanong ko. "Sa cr... Sandali, parang ito yung suot ni Aeri." sabi ni Zayn.

"Naalala ko na, bago tayo pumanta sa hideout nakita ko na itong suot ni Aeri. Kaya pala familiar." Dagdag pa ni Zayn.

Tiningnan ko yung ring.

"Kay Seth to." sabi ko habang sinusuri yung ring.

"Couple ring namin to, bigay ni Seth." sabi ko.

Tiningnan nila yun.

"Parehas nga."

"Paanong nasa kanya ito??" Tanong ko.

Biglang nag ring yung cellphone ko.

"Nasa airport si Aeri." sabi ko. Pinasundan kasi namin sa secretary ko yung sinasakyan ni Aeri kanina.

"Kailangan kong malaman kung bakit nasa kaniya ito." sabi ko sa kanila, mabilis naman ako nag drive at tinungo yung airport.

Halos sabay sabay lang kaming dumating sa airport. Sinalubong kami ng secretary ko at tinuro yung kinaroroonan ni Aeri.

"Aeri." nagulat siyang makita kami. "Pano mo ito maipapaliwanag?" Sabi ko sa kaniya at pinakita yung kwentas.

"Akin na yan." Agaw niya sa akin. Mabilis ko naman yun iniwas. "Saan galing ito?" tanong ko.

"Hindi ko alam, pero akin yan." sabi niya. "Anong nangyayari dito?" Tanong ng kadadating lang na lalaki.

Familiar yung mukha niya, saan ko ba siya nakita.

"Mommy." hindi ko napansin na andon pala si Aeke. "Hello po" Bati niya sa amin pag kaalis niya sa pag kakayakap kay Aeri.

"Aeke, gusto mo ng ice cream?? Sasamahan ka ni yaya bumili." sabi ng lalaki. Pag kaalis ni Aeke bumaling sa amin yung lalaki.

"Couple ring namin yan." Sabi nong lalaki. Biglang nilabas nong lalaki yung kwentas na kung saan naka sabit yung katulad ng suot ni Aeri.

"Hindi, couple ring namin ito ni Seth. Siya nag pagawa nito." Pag pupumilit ko.

"Hindi ako nag sisinungaling, sa akin yan." pag pupumilit din ni Aeri.

"Ibigay mo na kay Aeri, Khen. Kung hindi natin malaman na galing sa bibig nila mismo, alamin nalang natin sa ibang paraan. Pinag titinginan na kasi tayo." sabi ni Zayn.

Nag dalawang isip pa ako, pero binigay ko nalang, pag kabigay ko non umalis na sila. Malalaman ko din yung totoo.

"Siya si Seth."

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now