CHAPTER 128 : MIS

4 0 0
                                    

"Jade." tawag ni Khen sa kaniya.

"Jade, huminahon ka." sabi pa ni Khen. "No, Kuya."

Lumapit na ang parents ni Khen kay Jade.

"Let's go sa beach house, nasa public tayo." sabi ng Mommy ni Khen.

Doon lang kami napabaling sa paligid, pinag titinginan na kami ng mga tao.

"Susunod kami ni Pat." baling ko sa kanila, inaantay kasi nila ang pag sama ko sa kanila papasok sa kotse.

Tinanguan ko si Khen, tinanguan niya naman ako pabalik bago siya pumasok sa sasakyan.

Hindi ko alam kong anong nasa isip niya.

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Pat sa akin, pag kaalis nilang lahat.

"Pasensya na." nakangising sabi ko.

"Iniisip ba nilang mag boyfriend at girlfriend tayo?" natatawang tanong niya. Kita sa mukha niya ang pandidiri. Natawa nalang ako sa reaction niya.

"Kinabahan ako, parang aatakihin ako sa puso. Sa mga tingin nila sa akin kanina para akong sinaksak ng mga mata nila." sunod sunod na sabi niya habang nag mamaneho siya.

"Pero finally nakita ko na din sa personal si Khen." sabi niya na mabilis na lumingon sa akin. "Mag focus ka sa pag mamaneho." tugon ko sa kaniya.

"Pati na din si Seve at Seke." dagdag niya. "Hindi ako nakita nila Sera at Kera." mahinang sabi niya.

"Anong mangyayari pag dating natin sa resort niyo? Baka ipa kidnap nila ako or pag tulungan-."

"Oa?!" pag puputol ko sa kaniya. Hindi na siya nakapag salita, natanaw namin ang mga nag aantay sa amin sa parking lot.

"Prinseee." mahinang tawag niya sa akin pag kababa namin.

Bago pa kami makapag salita ni Pat, inunahan na kami ni Jade.

"Sorry po, Ate." salubong sa akin ni Jade. "Sorry po, Kuya..." baling naman niya kay Pat.

"Tama po si Kuya." tumingin siya kay Khen kaya napatingin naman kami. "Hindi po dapat namin pinangunahan ang nakita po namin." baling niya sa amin ni Pat.

"Nadala lang po ako, I know naman po na may reason po yong mga nakita ko. Siguro po dahil ilang beses mo pong iniwan si Kuya, kaya po inisip ko na magagawa mo po uli yon. Kahit po nong mga panahong nabalitaan po naming wala ka na. Pinilit niya pong balewalain ang nararamdaman niya dahil kailangan siya ni Seve at Seke. Kahit alam niyang pong wala kana, araw araw pa din siyang nag aantay sa pag balik mo." sunod sunod na sabi niya. Mabilis naman na lumapit si Khen kay Jade.

"Jade." pag papatigil niya. Sabay kaming umiling ni Jade sa kaniya.

"Ilang beses mo po siyang iniwan, ilang beses po siyang paulit ulit na nasaktan. Ilang taon siyang nag antay, Ate Seth."

Magsasalita na sana ako kaya lang nag salita uli siya.

"Sino po siya?" tanong ni Jade.

"Anak, pwede ba namin malaman kong sino itong kasama mo?" tanong ni dad.

"Si Pat..Patrick."

"Kaibigan ko." pakilala ko sa kanila.

"Uhmm. Hello po, ako nga po pala si Patrick po." nahihiyang pakilala niya.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now