CHAPTER 96 : PICTURE

16 3 1
                                    

Napatingin naman ako bigla kay Seth. Tahimik lang siyang pinag mamasdan yung mga kaibigan naming nag uusap usap. Kita sa mukha niyang madami na siyang nainom.

Gusto ko siyang kausapin, ang dami kong gustong sabihin sa kaniya.

"Ikaw Khen, kumusta kayo ni Seri?" nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin.

"Pano kayo nag kakilala?" lahat kami napatingin kay Seth sa tanong niya yon.

"Sigurado kana ba sa kaniya?" tanong niya pa.
"Alam mo bang niloloko ka niya?" dagdag niya pa.

"Seth."
"Princess."

"Ba..bakit? Ma..masama bang malaman?" tanong niya uli.

"Ba.. bakit ayaw niyo ako sagutin?" tanong na naman niya. "Dahil ba alam niyo na... na may lalaki yung Seri?" tanong niya pa.

"Ok lang sainyo na... na masaktan yung kaibigan niyo?" tanong niya.

"Princess." tawag sa kaniya ni Zayn.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mukhang pati mga kaibigan ko naguguluhan na din.

Madami na kaming nainom. Medyo nahihilo na ako. Panigurado pag tumayo ako, hindi ko mababalanse yung katawan ko.

"Ayokong nakikita kang nasasaktan." napatingin bigla ako kay Seth. Nakatingin na pala siya sa akin.

Bigla niyang tinuro yung puso niya.

"Ku...kumikirot ito." sabi niya habang naka tingin pa din sa akin

"Hindi mo ba napapansin na ngayon palang sinasaktan mo na ako?" biglang lumabas yun sa mga bibig ko.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Lumuhod siya para mag pantay kami.

"Bakit??" mahinang tanong niya. "Bakit hindi kita maalala?" tanong niya habang nakatingin sa mata ko. Biglang may tumulong luha sa mata niya.

"Hindi ko ginusto.. hindi ko pinili na hindi kita maalala." sabi niya.

"Nasasaktan ako pag nasasaktan ka." dagdag niya pa.

"Please lang, tulungan niyo naman akong maalala lahat." sabi niya at tiningnan niya kami isa isa.

Pag lingon niya sakin, bigla siyang nawalan ng balanse kaya napayakap siya sa akin.

Aalalayan na sana ni Zayn si Seth tumayo kaya lang, gumalaw yung kamay niya. 

"Sa..sandali." sabi niya.

Niyakap niya ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako nakagalaw. Hindi ko napansin na tumutulo na pala luha ko.

Sobrang miss ko siya. Miss na miss ko siya. Bigla nalang gumalaw yung kamay ko. Niyakap ko siya pabalik.

Lumipas yung ilang minuto, humiwalay siya.

"Mag usap kayo ni Seri, wag mo na patagalin. Habang tumatagal lalayo yung loob niya sayo. Pano na si Seve at Seke? Okay??" sunod sunod na sabi niya.

"Ayokong sabihin ito sayo... ayokong sabihin na may lalaki si Seri." dagdag niya pa.

"Ayoko makita kang nasasaktan." sabi niya bago siya tumayo.

STILL INTO YOU  (INTO YOU S2) - ON-GOINGWhere stories live. Discover now